Hindi Nahuhulog Ang Dahon
Fall 1996; Winter 1998
Natitikim ko iyon amuy ng usok
Sa simoy ng hangin, maaamuy mo ang mga dahon na tuyo
Abo ng naubos na Kainitan
Hindi nahuhulog ang mga dahon sa bayan nito:
hindi umiiba ang panahon
Ngunit nagiginaw pa rin ako
dahil sa hanging galing sa Hilaga
Tinatakpan ng mga ulap ang araw -
mga ulap na galing sa dagat
Kay bilis ang dating ng gabi
lumalakas ang kalungkotan ko dahil nawawala ang kislap ng araw
at kung madaling araw pa, gumigising ako
Madilim sa tabi, sa tapat, sa ilalim ko
Iniisip ko ang mga sinisisi ko at mga sakit sa puso ko
Iyon mga hindi ko nagawa, iyong mga hindi ko nasabi
Palagi ko na lang iniisip ito, at wala nang katapusan
Ngunit, iniisip ko rin ito: kung hindi mahuhulog ang mga lumang dahon,
di hindi rin tutubo ang mga bagong dahon
©1996,1998 by Victor
Ganata |